^

Probinsiya

CAFGU itinumba ng NPA

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang aktibong miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Kerapi sa bayang ito kamakalawa ng hatinggabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si Jessie Bongales, 18, binata at nakabase sa Barangay Macalaya.

Nabatid sa ulat ng pulisya, galing sa birthday party ng kanyang kaibigan ang biktima at nagpaalam na uuwi na dakong alas-12 ng hatinggabi.

Hindi pa nakalalayo sa naturang lugar ang biktima ay hinarang na ng mga rebelde at narinig pa ng mga residente ang malalakas na putok ng baril.

Duguang nakabulagta ang bangkay ng biktima nang madiskubre ng mga awtoridad na pinalalagay na pinupuntirya ng mga rebelde ang ilang kalalakihang sumapi sa CAFGU. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY KERAPI

BARANGAY MACALAYA

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DUGUANG

ED CASULLA

JESSIE BONGALES

LEGAZPI CITY

NABATID

NAKILALA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with