Pulis sabit sa rape-slay
January 25, 2003 | 12:00am
BACOOR, Cavite Isang bagitong pulis na itinuturong sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa isang waitress ang sumuko sa mga awtoridad kahapon sa bayang ito.
Kinilala ni Chief Inspector Alberto Capua, Bacoor police chief, ang sumukong suspect na si PO1 Joselito del Mundo, may-asawa at nakatira sa Block 1 Lot 31 Area S sa Queens row.
Si PO1 del Mundo ang itinuturong sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa waitress na si Gheryl Basino na nagtatrabaho sa Four Brothers Videoke sa Molino 3.
Huling nakita ng kanyang mga kaibigang buhay si Gheryl noong Jan. 10 bandang alas-10:00 ng gabi matapos itong sunduin ni PO1 del Mundo.
Magmula noon ay hindi na nakita si Gheryl hanggang sa matagpuan itong hubot hubad at patay sa NAIA Road Barangay San Nicolas ng bayang ito noong Jan. 19 ng madaling araw.
Itinanggi naman ng rookie cop na siya ang responsable sa rape-slay sa nasabing waitress. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended