^

Probinsiya

Konsehal, 3 pa patay sa aksidente

-
STO. TOMAS, Batangas Isang konsehal at 3 kasamahan nito ang nasawi makaraang bumangga ang sinasakyan nilang owner-type jeep sa isang humahagibis na pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Barangay San Rafael ng bayang ito.

Kinilala ni Inspector Armando Tenorio, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang mga nasawi na sina Councilor Victorino Tarnate, Romeo Onte, Honorato Mangaban at Nestor Reyes na pawang nakatira sa Barangay Sta. Anastacia ng bayang ito.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na si Waren Tenorio matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, lulan ng owner-type jeep na may plakang DPD-706 ang mga biktima at habang tinatahak ang Maharlika highway ng bigla silang banggain ng N. Dela Rosa bus line na may plakang DVU-588 na minamaneho ni Tenorio.

Nagtamo ng mga grabeng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at idineklarang dead on arrival ng isugod ang mga ito sa pinakamalapit na ospital habang sumuko naman ang driver ng bus. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN RAFAEL

BARANGAY STA

COUNCILOR VICTORINO TARNATE

DELA ROSA

HONORATO MANGABAN

INSPECTOR ARMANDO TENORIO

NESTOR REYES

ROMEO ONTE

WAREN TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with