Barangay kagawad itinumba ng NPA
January 14, 2003 | 12:00am
LIBON, Albay Pinagbabaril hanggang sa matay ang isang barangay kagawad ng dalawang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Sitio Pinaric, Barangay Molosbolos sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Duguang bumulagta ang biktimang si Martin Sasota, 38, may asawa, samantala, sina Jason Son, binata, 17 at Domingo Sandrino, 39, may asawa ay nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala ng kalibre 45 baril.
Pinalalagay ng pulisya na inakalang informer ng militar at pulisya ang biktima kaya pinaslang bandang alas-4 ng hapon. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am