^

Probinsiya

Kabikulan sentro ng NPA recruitment

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang mula sa Bicol Region ang mga bagong recruit na kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na maging sentro ng makakaliwang kilusan ang naturang rehiyon.

Napag-alaman kay Major Jose Broso, group commander ng CRS sa Bicol na nakasentro ang recruitment ng NPA sa Kabikulan na pawang mga kabataang may edad na 13 hanggang 17-anyos.

Sinasanay ang mga bagong kasapi sa hindi nabatid na kagubatan ng Kabikulan at isinasailalim sa test mission.

Nabatid pa sa ulat na karamihan sa sumapi ay binigyan ng suweldo at baril bilang parte sa kilusan at mahusay na mandirigma.

Sa nakumpiskang dokumento mula sa makakaliwang kilusan, si Gregorio "Ka Roger" Rosal ang kasalukuyang namumuno sa pangangalap ng mga bagong kasapi.

Maging ang mga residente sa iba’t ibang barangay sa Kabikulan ay hindi na nagbibigay ng revolutionary tax dahil na rin sa kahirapan ng buhay na naging sanhi upang puntiryahin ang lahat ng may-ari ng cellsite, pabrika ng semento at mga bus terminal. (Ulat ni Ed Casulla)

BICOL

BICOL REGION

ED CASULLA

GREGORIO

KA ROGER

KABIKULAN

LEGAZPI CITY

MAJOR JOSE BROSO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with