P10-M puslit na Pajero nasabat
January 10, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Tinatayang aabot sa P10 milyon ang dalawang Pajero na pinaniniwalaang ipupuslit ng walang kaukulang ibinayad na buwis ang nasabat ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) sa Naval Supply Depot (NSD) compound kamakalawa.
Napag-alaman sa bagong promote na si Capt. Marlon Alameda, Customs Police District deputy chief at chief for operations, ang dalawang Pajero ay nakapaloob sa 40-footer container van mula sa Hong Kong sakay ng M/V Mathilde Maersk V at dumating noong Oktubre 10, 2002.
Sinabi ni Alameda na ang dalawang mamahaling Pajero ay pag-aari ng Subic Acropolis, Inc., isang rehistradong locator sa Subic Bay Freeport ay idineklarang used utility van na nagkakahalaga ng US$13,000 subalit sa isinagawang spot check ni Rico Reyes, Customs special agent ay pawang luxury vehicles.
Kaya kaagad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention si Subic Customs Collector Emelito Villaruz laban sa nakumpiskang mamahaling Pajero. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended