^

Probinsiya

Trike vs jeep: 3 patay, 3 grabe

-
CAMP AGUINALDO – Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, tatlo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na pampasaherong dyip kamakalawa ng hapon sa national highway na sakop ng Barangay Castillo, Isabela.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Gaffud District Hospital sina Jun Asuncion, 24, drayber ng traysikel; Roberto de Guzman, 24 at Armando Simangan, 24 na pawang residente ng Echague, Isabela.

Samantala, ang malubhang nasugatan ay nakilalang sina Ariel Asuncion, 24; Melita Ellano, 18 at Gemma Estioco na ginagamot sa naturang ospital.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang aksidente bandang alas-5:45 ng hapon makaraang mag-overtake ang traysikel sa rumaragasang traysikel din.

Nakasalubong ng traysikel ni Asuncion ang pampasaherong jeep (DRP-739) na minamaneho ni Gilbert Balino, 22 kaya naganap ang trahedya. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARIEL ASUNCION

ARMANDO SIMANGAN

BARANGAY CASTILLO

CAMP AGUINALDO

DANILO GARCIA

GAFFUD DISTRICT HOSPITAL

GEMMA ESTIOCO

GILBERT BALINO

ISABELA

JUN ASUNCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with