Pulis na dumalo sa family reunion dinedo
January 7, 2003 | 12:00am
SIPOCOT, Camarines Sur Isang pulis - Sipocot ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang paluin ng tubo sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ng dalawang lalaki habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay Taisan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Mother Seton Hospital sa Naga City ang biktimang si Senior Police Officer 3 Jose Ronilo Cano Lorenzo Jr. at residente ng Barangay Sooc Lupi, Camarines Sur.
Isa sa suspek ay positibong nakilalang si Gregorio "Gorio" Fabricante na pinaniniwalaang nagtago na sa Metro Manila kasama ang kanyang pamilya.
Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya, dumalo ng family reunion ang bikitma na ginanap sa Villa Esperanza resort.
Ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay nagpaalam na ang biktima sa kanyang mga kamag-anak dahil sa nagkataon naman na siya ang duty officer sa pinapasukang police station.
Bandang alas-6:30 ng gabi habang naglalakd ang biktima patungo sa naturang police station ay hinarang siya ng dalawang lalaki saka pinagtulungang gulpihin at hatawin ng tubo hanggang sa mapatay.
Nabatid pa sa imbestigasyon na bago tumakas ang dalawang killer ay kinuha pa ang service firearm ng biktima at sa kasalukuyan ay inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 hours ago
Recommended