Kumalas sa lover kinatay
January 7, 2003 | 12:00am
LABO, Camarines, Norte Pinagsasaksak bago nilaslas ang tiyan hanggang sa matapay ang isang 22-anyos na babae ng kanyang live-in partner na matadero makaraang mapabalitang kakalas sa kanilang relasyon ang biktima kamakalawa ng hapon sa Barangay Dallas-Labo sa bayang ito.
Ang biktima na idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital ay nakilalang si Estelita Briza, samantala, ang suspek na nagtangkang mag-suicide sa pamamagitan nang paglaslas ng pulso ay kinilalang si Jobert Cordenete, 22 at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni Senior Police Officer 1 Emir Valeros, naitala ang krimen bandang alas-2:15 ng hapon sa loob ng tinutuluyang bahay ng mag-live-in.
Dumating sa kanilang bahay ang senglot na suspek bago kinompronta ang biktima sa kumalat na balitang kakalas na sa patagong relasyon dahil sa kahirapan ng buhay.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mairita ang suspek sa pasigaw na pinagsasabi ng kanyang live-in kaya isinagawa ang krimen.
Nagtangka namang magpakamatay ang suspek ngunit naagapan naman ng ilang kamag-anak at dinala sa nabanggit na ospital. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Jorge Hallare | 18 hours ago
Recommended