3 katao pinatay dahil sa alitan
January 6, 2003 | 12:00am
LINGIG, Surigao del Sur Tatlo katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na nasawi, samantala, isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang ang mga biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Barangay Union sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang tatlong napatay na sina Barangay Chairman Jaime Badang Lanquibo, dalawang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na sina Fidel Bandaayon at Tedolo Luna Caramat habang si Artemio Inta na kasapi rin ng CVO ay malubhang nasugatan.
Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando Tilod at Pupit Ponciano na bumaril sa mga biktima, samantala, sina Rene Boy at kapatid nitong si Cosme Macaylas ay nagsilbing look out sa naganap na krimen.
May teorya ang pulisya na matinding alitan ang namagitan sa mga biktima at mga suspek. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am