^

Probinsiya

10 bahay sinunog ng MILF rebels

-
ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa sampung kabahayan ang sinilaban ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang lusubin ang Barangay Tigbabauan, Tungawan, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng pulisya at militar.

Maliban sa sinunog ang sampung kabahayan ay pinagnakawan pa ang mga residente habang ang iba naman ay nakuhang tumakas sa takot na mapatay ng mga rebelde.

Sa pahayag ni P/Chief Supt. Simeon Dizon, Police Regional Office (PRO-9) director na karamihan sa mga residenteng sinunog at pinagnakawan ng mga rebelde ay nakorner at hindi nakuhang tumakas kaya nasugatan.

Inatasan na ni Major General Glicerio Sua ng 1st Infantry Division ng Phil. Army, ang kanyang mga tauhan na tugisin ang mga rebelde.

Hindi naman madetermina ni Sua kung ang grupong nanunog ay siya ring nagsagawa nang pananambang laban sa mga minero sa hangganan ng Siocon at Zamboanga del Norte noong Disyembre 26 na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng siyam. (Ulat ni Roel Pareño)

BARANGAY TIGBABAUAN

CHIEF SUPT

INFANTRY DIVISION

MAJOR GENERAL GLICERIO SUA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

POLICE REGIONAL OFFICE

ROEL PARE

SIMEON DIZON

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with