^

Probinsiya

Lola, 2 apo minasaker

-
CAMP CRAME – Brutal na pinatay ang isang 73 anyos na lola at ang kambal na apo nito sa loob ng kanilang bahay ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa pagpasok ng Bagong Taon, sa lalawigan ng Marinduque.

Nakilala ang mga biktima na sina Recana Villar, biyuda at ang kambal na apo nito na sina Rodalyn at Rogelyn, 13 anyos, kapwa first year high school sa Bonliw National High School.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:30 kamakalawa ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na tadtad ng tama ng taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Poctoy, Torrejos, naturang lalawigan.

Nadiskubre ang mga bangkay ng isa pang apo na si Ronald Roldan, 18, sa bahay ng mga ito. Mag-iigib sana ng tubig ito sa naturang bahay ng bumulaga ang mga duguang bangkay ng mga kamag-anak niya.

Sa pagsisiyasat, dakong alas-12 ng hatinggabi noong nakalipas na Disyembre 31 ng maganap sa mga biktima sa loob ng bahay subalit umaga na nang madiskubre ang masaker.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng pulis-Marinduque kung saan bumuo sila ng dalawang grupo upang alamin ang motibo sa pamamaslang at kilalanin ang mga killer.

Isinasailalim rin si Roldan sa imbestigasyon upang matukoy kung sinu-sino ang mga biktima sa pagselebra ng pagpasok ng Bagong Taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAGONG TAON

BONLIW NATIONAL HIGH SCHOOL

BRGY

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

MARINDUQUE

RECANA VILLAR

RONALD ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with