^

Probinsiya

3 binoga sa harap ng barangay hall

-
CAMP CRAME — Pinaniniwalaang paghihiganti ang naging motibo sa pagpatay sa tatlong kalalakihan kabilang na ang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng kanilang kabarangay na lalaki sa harap ng barangay hall kamakalawa ng umaga sa Sugirao del Sur.

Duguang bumulagta ang tatlong biktimang sina Jaime Badang Lanquibo, barangay chairman; Fidel Bandaayanon Yangcaag, at Teodolo Luna Caramat na pawang residente ng Barangay Uneon, Lingig, ng naturang lalawigan.

Malubha namang nasugatan si Artemio Inta na miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO), samantala, positibo namang kinilala ng asawa ni Lanquibo ang suspek na si Rolando Tinod na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nakatayo ang mga biktima sa harap ng barangay hall dakong alas-8:40 ng umaga nang dumating ang suspek na may hawak na shotgun.

Hindi na nakaporma pa ang tatlo dahil sa biglang nagpaputok ng dalang shotgun ang suspek na ikinasawi ng mga biktima.

May teorya ang pulisya na pinaghigantihan ng suspek si Lanquibo dahil nagsampa ng kasong frustrated murder ang biktima laban sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARTEMIO INTA

BARANGAY UNEON

CAMP CRAME

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

DANILO GARCIA

FIDEL BANDAAYANON YANGCAAG

JAIME BADANG LANQUIBO

LANQUIBO

ROLANDO TINOD

TEODOLO LUNA CARAMAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with