^

Probinsiya

2 NPA tiklo sa pangongotong

-
DASMARIÑAS, Cavite Dalawang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng puwersa ng Dasmariñas PNP sa isinagawang operation matapos na umano’y sapilitan nitong hingian ang isang negosyanteng babae ng malaking halaga, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3 ng bayang ito.

Ang dalawang suspek na kasalukuyan ngayong nakakulong at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery/Extortion ay nakilalang sina: Absalon Fajardo, alias Ka Richard, 37, driver tubong Nueva Ecija at si Roland Barsilon, alias Ka Batibot, 32 anyos, Butcher, tubong Legaspi City, at nagpakilalang mga miyembro ng NPA.

Sa ibinigay na report ni Pol. Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-11 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman sa biktimang si Lydia Relacion, 49, dalaga, negosyante, residente ng Brgy. Paliparan, nagtungo umano sa kanya ang dalawang suspek at sinabing mga miyembro umano sila ng NPA at kinakailangan niyang magbigay ng revolutionary tax.

Kapag hindi umano siya nagbigay, mapapabilang siya sa mga naitumba ng kanilang grupo dahil sa takot agad na sumang-ayon ang biktima at nagsabi itong ihahanda na ang perang hinihingi ng mga ito.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay palihim na tumawag sa himpilan ng pulisya ang biktima at nagreport.

Nang bumalik ang mga suspek para kunin na ang pera ay dito na sila sinunggaban ng nakatagong grupo ng pulis at naaresto ang mga ito. (Ulat ni Christina Go-Timbang)

vuukle comment

ABSALON FAJARDO

BRGY

CHRISTINA GO-TIMBANG

KA BATIBOT

KA RICHARD

LEGASPI CITY

LYDIA RELACION

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with