^

Probinsiya

Sekyu pinagbabaril ng adik

-
KAWIT CAVITE – Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng isang security guard, makaraan itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng suspek habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa Brgy. Panamitan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang agad na namatay ay nakilalang si Marcelo Pukawan ng Brgy. Panamitan ng bayan ding ito. Ang suspek na mabilis na tumakas tangay ang ginamit na baril ay nakilalang si Ernesto Rebullan, 26, binata residente ng 251 ng nasabi ring lugar.

Sa report ni SPO4 Margarito Alba, ganap na alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidente. Kasalukuyan umanong naglalakad pauwi ang biktima ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek.

Napag-alaman na mayroon ng alitan ang dalawa at nang muling magtagpo ang landas nito ay nauwi ito sa pagtatalo. Ito umano ang nagtulak upang tambangan ng suspek ang biktima habang papauwi.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang hindi pa malamang kalibre ng baril na ginamit. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CRISTINA GO-TIMBANG

ERNESTO REBULLAN

KASALUKUYAN

MARCELO PUKAWAN

MARGARITO ALBA

MATAPOS

NAPAG

PANAMITAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with