1-anyos na bata nasagasaan ng ama, tepok
December 21, 2002 | 12:00am
Isang paskong itim ang ipagdiriwang ng isang pamilya sa maagang pagbawi sa buhay ng isat kalahating taong sanggol na babae nang ito ay hindi sinasadyang masagasaan nang sariling ama habang minamaneho ang compact tructor o track ng basura kamakalawa ng hapon sa Brgy. Longos, Bacoor, Cavite.
Sa ulat ni PO1 Ivan Rey Garcia Legaspi ng Traffic Division, dakong 2:14 ng hapon nang masagasaan ang batang babae na si Mary Rose Sabino ng compact tructor na may plakang SEK-402 at minamaneho ng amang si Danny Boy Sabino, nasa hustong gulang at residente ng Reyes Compound, Longos ng nabanggit na bayan.
Mabilis na isinugod ni Mr. Sabino ang anak sa Las Piñas District Emergency pero dineklarang dead-on-arrival ang bata.
Napag-alaman na magkasama sa biyahe nung umaga pa lamang bago maganap ang insidente ang mag-ama. Umuwi lamang ito upang ihatid ang anak sa kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay sumakay na sa kanyang trak ang ama. Hindi alam nito na sumunod pala ang batang babae na natumba mismo sa harap ng truck. Hindi nakita ng tatay ang kanyang sariling anak kayat agad nitong iniarangkada ang sasakyan na siya namang pagtayo ng bata na agad nasalpok ng trak. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest