^

Probinsiya

Mayor itinumba sa Christmas party

-
Naging malagim na trahedya ang ginanap na Christmas party ng mga barangay opisyal makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang mayor ng nag-iisang killer habang nakikihalubilong kumain sa mga kaibigan kahapon ng umaga sa Surigao del Sur.

Kaagad na namatay si Taganaan, Surigao del Sur Mayor Victor Elipe, samantala, sina Casundo at Alejandro Jusian na kapwa barangay kagawad ng Azucena, Poblacion, Taganaan ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong tama ng ligaw na bala sa katawan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naimbitahan si Mayor Elipe sa Christmas party ng mga barangay opisyal sa multi-purpose hall kaya pinaunlakan naman nito ang paanyaya.

Bandang alas-11:40 ng umaga habang nagsisikain ang mga bisita ay lumapit ang hindi kilalang lalaki sa biktima at binati ng Merry Christmas subalit sinabayan nito ng sunud-sunod na putok ng baril na ikinasawi ng mayor.

Nagkaroon ng tensyon sa loob ng party at nagpulasan ang ibang bisita at barangay opisyal upang umiwas sa ligaw na bala.

Sinamantala naman ng killer na tumakas at nakihalubilo sa pagpulasan ng mga tao.

May teorya ang pulisya na planado ang pagkakapaslang sa mayor at nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa mga testigong nakakita sa mukha ng killer.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEJANDRO JUSIAN

AZUCENA

BANDANG

CASUNDO

DANILO GARCIA

MAYOR ELIPE

MERRY CHRISTMAS

SUR MAYOR VICTOR ELIPE

SURIGAO

TAGANAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with