P10-M marijuana sinunog
December 18, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Umaabot sa 54,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P10.8-milyon ang iniulat na binunot saka sinunog ng mga awtoridad makaraang salakayin ang dalawang plantasyon sa Benguet kamakalawa.
Bunsod ng impormasyong natanggap ng mga awtoridad sa civilian tipsters ay nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency-Cordillera at Benguet Police Provincial Office sa dalawang plantasyon ng marijuana na sakop ng Sitio Letting, Brgy. Sagubo at Sitio Dumanay, Brgy. Pudong.
Sinabi ni P/Sr. Insp. Dante Gacadan, officer-in-charge sa PDE-Cordillera na kahit na lima ang kanyang tauhan ay nakipag-ugnayan sila kay P/Chief Insp. Jess Cambay ng 1603rd Benguet PNP Provincial Mobile Group upang salakayin ang nabanggit na plantasyon.
Magugunitang noong nakalipas na buwan lamang ay pitong ahente ng PDEA kabilang na ang P/Supt. Danilo Manzano, regional director ang sinibak sa puwesto dahil sa akusasyong nagbibigay ng proteksyon sa sindikato. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest