2 teler naholdap ng P.7-M
December 11, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dalawang teler ng money changer ang iniulat na natangayan ng P.7-milyon makaraang holdapin ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan sa paradahan ng kilalang department store na sakop ng Barangay Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Jennifer Mayoral, 28 at Jay Isulat, 22 na kapwa residente ng Vista Verde Subdivision, Barangay Maambog, Bacoor, Cavite.
Ayon kay PO2 Ronald Lorenzo, bandang alas-6 ng gabi nang lumabas mula sa pinapasukang Janica money changer ang dalawa at pasakay na sa kotseng nakaparada sa parking lot ng Walter Mart Department Store nang biglang magsilapit ang mga holdaper.
Dito na hinoldap ang dalawa ng mga suspek saka nagsikatas sakay ng dalawang traysikel.
May palagay ang pulisya na natunugan na may dalang malaking halaga ang dalawa kaya inabangang lumabas. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest