^

Probinsiya

4,500 blasting caps nasabat sa barko

-
ZAMBOANGA CITY — Tinatayang aabot sa 4, 500 blasting caps na ginagamit sa home-made bomb at ibang uri ng pampasabog ang iniulat na nasabat ng mga alertong tauhan ng Phil. Coast Guard at tropa ng militar sa loob ng barko na nakahimpil sa pantalan ng Sitangkai, Tawi, Tawi noong Sabado.

Sinabi ni Capt. Damian Carlos, commander ng Phil. Coast Guard sa Southwestern Mindanao, nadiskubre ang cache ng blasting caps matapos na abandonahin sa barkong M/V Magnolia.

Napag-alaman pa sa ulat na ang blasting caps ay ginagamit ng militar at hindi pang-commercial model.

Kasalukuyang bineberipika pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng blasting caps at dahil sa mahigpit na pinaiiral na seguridad sa mga pampasaherong barko ay inabandona ng hindi pa nakikilalang pasahero na pinalalagay na maghahasik na naman ng lagim sa naturang lalawigan.

Ayon pa kay Carlos, walang palatandaan na ang blasting caps ay nagmula sa AFP arsenal at nangangalap na ng impormasyon sa mga pasahero at opisyal ng barko upang matukoy ang orihinal na pinagmulan ng biyahe ng M/V Magnolia.

May teorya ang mga awtoridad na nakatunog sa mahigpit na seguridad kaya inabandona ng hindi kilalang pasahero ang blasting caps upang makaiwas sa susunod na senaryo. (Ulat ni Roel Pareño)

AYON

BLASTING

CAPS

CAPT

COAST GUARD

DAMIAN CARLOS

ROEL PARE

SOUTHWESTERN MINDANAO

TAWI

V MAGNOLIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with