^

Probinsiya

2 obrero todas, 2 grabe sa landslide

-
CALAUAG, Quezon — Dalawang construction worker ang kumpirmadong namatay, samantalang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na matabunan ng lupang kanilang hinuhukay sa isang construction site na sakop ng Barangay Sta. Maria sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga namatay na sina Norman Targa, 23; at Jupiter Baron, 20, kasalukuyan namang ginagamot sa St. Peter Hospital sina Manuel Targa at Rey Querubin.

Binanggit sa ulat na dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pangyayari habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan. Hinuhukay umano ng mga biktima ang pundasyon ng dalawang-palapag na gusali na pag-aari ni Antonio Lim Paraiso na katabi lamang ng burol nang biglang gumuho ang malambot na lupa na tumabon sa mga biktima.

Dahil sa mabilis na pagkilos ng iba pang manggagawa ay pinilit na iahon ang mga biktima buhat sa landslide site ngunit agad ding namatay ang dalawang biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ANTONIO LIM PARAISO

BARANGAY STA

BINANGGIT

DAHIL

JUPITER BARON

MANUEL TARGA

NORMAN TARGA

REY QUERUBIN

ST. PETER HOSPITAL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with