^

Probinsiya

4 mag-utol kinatay, sinunog

-
BACOLOD CITY Apat na magkakapatid na babae ang umano’y pinagtataga at pagkatapos ay sinunog pa ang mga bangkay ng isang 22-anyos na magsasaka sa Cauayan, Negros Occidental.

Naaresto kahapon ang suspek na si Saturnino Labanes Jr. ng Brgy. Baclao, Cauayan ng pinagsanib na grupo ng Cauayan police station at 4th Provincial Mobile Group sa Buenavista bayan ng Guimaras.

Sa report ni Senior Insp. Paterno Torralba, 4th PMG director, kinilala ang mga biktimang sina Liezel Roldan, 16, at mga kapatid niyang sina Irene, 11; Jennifer, 9 at Richelle, 6.

Naganap ang pagpatay sa Sitio Macagi-ing, Brgy. Baclao, Cauayan nitong nakaraang Miyerkules ng gabi subalit dalawang araw pa ang lumipas bago nakarating sa pulisya.

Ito’y matapos na isang pinsan ng suspek na kinilalang si Homer Montilla na nakasaksi sa insidente ang nagsumbong kay Marlin Labanes, asawa ng suspek, na siya namang nagsama sa una sa pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10 ng gabi ng nakaraang Miyerkules ay wala ang mga magulang ng mga biktima at nasa poblacion sa Brgy. Baclao sa Cauayan ng maganap ang insidente.

Natutulog ang magkakapatid ng biglang pasukin ng suspek at saka pinagtataga.

At para umano itago sa mga awtoridad ang pangyayari, matapos ang pamamaslang ay sinunog pa ng suspek ang buong bahay kung saan kasamang nalitson ang magkakapatid. (Ulat ni Antonieta Lopez)

vuukle comment

ANTONIETA LOPEZ

BACLAO

BRGY

CAUAYAN

HOMER MONTILLA

LIEZEL ROLDAN

MARLIN LABANES

MIYERKULES

NEGROS OCCIDENTAL

PATERNO TORRALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with