^

Probinsiya

Police chief nanggulpi ng 3 drayber

-
TAYTAY, Rizal – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang police chief ng Taytay, Rizal makaraang ireklamo ng panggugulpi at panunutok ng baril sa tatlong kalalakihan kabilang na ang opisyal ng samahan ng traysikel kahapon.

Dumulog sa Rizal Provincial Internal Affairs Service upang magsampa ng reklamo sina Felizardo Bonagua, 53; Reynaldo Butial, 32 at Willie Aure, 42, na pawang residente ng Sitio Kaytikling, Brgy. Dolores sa bayang ito.

Kinilala naman ni P/Supt. Arni Dean Emock ang inireklamong opisyal ng pulis na si P/Supt. Pedro Ganir, hepe ng Taytay police station.

Nag-ugat ang reklamo sa naturang opisyal matapos na iparada nito ang kanyang kotse sa paradahan ng traysikel na nagresulta upang hindi makausad ang mga pumapasadang trike drayber kaya kinatok at pinakiusapan ng mga biktima ang suspek na iusog ang kanyang sasakyan.

Dito na nairita si Ganir hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at tutukan ng baril, pagtatadyakan at paluin ng cellphone ang mga biktima.

Mariin namang pinabulaanan ni Ganir ang akusasyon ng tatlo dahil sa pinagtatakpan nila ang illegal terminal ng traysikel na kanyang sinita at ang ibang drayber na walang lisensya. (Ulat ni Joy Cantos)

ARNI DEAN EMOCK

FELIZARDO BONAGUA

GANIR

JOY CANTOS

PEDRO GANIR

REYNALDO BUTIAL

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL INTERNAL AFFAIRS SERVICE

SITIO KAYTIKLING

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with