2 kawal patay sa amok ng MNLF rebels
November 11, 2002 | 12:00am
Dalawang kawal ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin nang nag-amok na kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Brar, Talayan, Maguindanao.
Napuruhan ng bala ng M-14 rifle sina Sgt. Franco at Sgt. Ofelia na kapwa nakatalaga sa 27th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Samantala, hindi naman kaagad nakilala ang suspek na mabilis tumakas at pinalalagay na tauhan ni MNLF Kumander Datu Alano Bansawan.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nakarinig ng sunud-sunod na putok ang mga biktima kaya kaagad na nagresponde ngunit sinalubong sila ng putok kaya duguang bumulagta.
Nabatid pa sa ulat na ang suspek ay kinalaban din ang kanyang kumander at nagnakaw pa ng mga baril kaya sinipa sa samahan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 15, 2026 - 12:00am