^

Probinsiya

Presidente ng shooter's club, misis dinedo ng sharpshooter na vendor

-
SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Pinaniniwalaang paghihiganti ang naging motibo para tambangan at mapatay ang mag-asawa ng sharpshooter na vendor habang nasa harap ng kanilang bahay sa Dalisay St., Pilar Village, Barangay San Isidro sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Sonny Cunanan, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga biktimang sina Dr. Ricardo Martin, 40, presidente ng Pampanga Shooters’ Club at asawang si Maricris Nicdao Martin, 40.

Napag-alaman sa ulat na si Ricardo ay kilalang sharpshooter sa kanilang lalawigan at bukod sa pagiging opisyal ng naturang club ay isa rin siyang veterinarian at confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at miyembro ng NPI Agent’s Club.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Ricardo ay nagtamo ng limang bala sa katawan, samantala, si Maricris naman ay anim.

Positibo naman nakilala ng katulong ng mag-asawa ang suspek na isang alyas Abel na pinaniniwalaang miyembro rin ng Pampanga Shooters’ Club at pinalalagay na vendor ngunit sharpshooter din.

Nabatid pa na kararating pa lamang ni Ricardo sa kanilang bahay dakong alas-8 ng gabi at balak na sunduin ang asawa sa Jezza restaurant ng mamataan ang suspek na sakay ng motorsiklo at nakaparada sa harap ng bahay.

Ayon pa sa ulat, kinompronta ng biktima ang suspek ngunit sa hindi nabatid na dahilan ay umalingawgaw ang sunod-sunod na putok hanggang sa usisain naman ni Maricris na bitbit ang anak ngunit pinagbabaril din at hindi tinamaan ang bata. (Ulat nina Ding Cervantes at Pesie Miñoza)

vuukle comment

BARANGAY SAN ISIDRO

DALISAY ST.

DING CERVANTES

DR. RICARDO MARTIN

MARICRIS

MARICRIS NICDAO MARTIN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PAMPANGA SHOOTERS

PESIE MI

RICARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with