5 Indon timbog sa puslit na krudo
November 5, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Limang Indonesian nationals ang iniulat na dinakip ng pulisya matapos madiskubre ang puslit na gasolina sa kanilang sinasakyang bangka na iligal na ipinasok sa bansa, kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Saranggani.
Nakilala ang mga suspek na sina Lasdi Mahadin Amka, alyas Asdi, 35; Junjun Abram Manderes, 18; kapatid nitong si Johnny Pido, 19, pawang mga residente ng Peitd, Tahona, Indonesia; Nasser Sapate Masang, 23 at Allan Duriyang Duremalam, 20, ng Manado City, Indonesia.
Nabatid na wala ring maipakitang dokumento ang mga dayuhan ng kanilang pananatili sa bansa.
Sa ulat ni Police Regional Office 12 Director, C/Supt. Jose Dalumpines, naaresto ang limang dayuhan dakong alas-9:20 ng umaga sa karagatang sakop ng Sitio Tinago, Barangay Poblacion, Maasim, Saranggani.
Nakumpiska sa kanilang de-motor na bangka ang 30 container ng Disel, 4 na container ng gas at tatlong kahon ng floor tiles.
Hinihinala ng pulisya na ang naturang grupo ay sangkot sa operasyon ng isang smuggling syndicate at may mga iba pang kasabwat ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest