^

Probinsiya

3 grabe sa sumabog na granada

-
Tatlo katao ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang masabugan ng granada na kanilang pinag-agawan kamakalawa ng hapon sa Hagonoy, Davao del Sur.

Masusing inoobserbahan sa ospital ang mga biktimang sina Felino Reoyan, empleyado sa isang ahensiya ng gobyerno; asawa nitong si Virginia Reoyan at kapitbahay na si Arnel Babao na pawang residente ng Brgy. Balutakay sa naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naitala ang pagsabog dakong alas-5:30 ng hapon matapos na aksidenteng natanggal ang pin ng granada na hawak ni Reoyan habang nagpapambuno sa kalsada.

Bago maganap ang pangyayari, nairita si Reayon kay Babao tungkol sa ipinakakalat nitong masamang balita laban sa kanya.

Ayon pa sa ulat, hinamon ng suntukan ni Reayon si Babao hanggang sa magkalabasan ng armas.

Hindi natakot si Reayon sa hawak na itak ni Babao dahil may hawak din siyang granada kaya nauwi sa pambuno hanggang sa mabunot ang pin at bago pa sumabog ay naihagis naman ito ngunit tinamaan naman sila ng shrapnel na ikinasugat ng malubha ng tatlo. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARNEL BABAO

AYON

BABAO

BALUTAKAY

BRGY

DANILO GARCIA

DAVAO

FELINO REOYAN

REAYON

VIRGINIA REOYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with