7 anyos ni-rape na, ginilitan pa
October 30, 2002 | 12:00am
MORONG, Bataan Isang pitong taong gulang na batang babae ang iniulat na pinaslang matapos na halayin ng isang 23-anyos na lalaking sabog sa ipinagbabawal na droga sa bakanteng lote sa loob ng Bataan National Power Plant ng National Power Corporation (Napocor), kamakalawa ng hapon.
Batay sa ulat na nakalap sa Bataan Provincial Police Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Glenda Altar, grade 1 pupil ng Crash Site, Sitio Sampaloc, Barangay Nagbalayong sa bayang ito.
Samantala, naaresto naman sa ginawang follow-up operation ng pinagsanib na puwersa ng Morong PNP at ng Intelligence and Investigation Section (IIS) ng Bataan Provincial Police Command ang suspek na si Jerry Cabarles, kapitbahay ng biktima.
Natagpuan ng pulisya ang walang saplot na bangkay ng biktima ganap na alas-12:30 ng tanghali sa bakanteng lote sa nabanggit na barangay na may malalim na gilit sa leeg.
Napag-alaman sa inisyal na pag-awtopsiya, positibong ginahasa ang biktima base sa nakitang malalim na sugat sa maselang ari nito.
Idinagdag pa sa ulat na lalong nadiin ang suspek sa krimen matapos na mamataan ng mga residente na huling nakitang kasama nito ang biktima sa pagtitinda ng saging sa isang security barracks sa Narong Point pasado alas-kuwatro ng hapon, isang araw bago natagpuan ang bangkay ng biktima.(Ulat nina Jeff Tombado at Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest