12-anyos ni-rape slay ng mga adik
October 29, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Pinalalagay na mga adik sa droga ang humalay at pumatay sa isang 12-anyos na batang babae makaraang matagpuan ang katawan ng biktima sa madamong lugar na sakop ng Barangay Sampalok Tres sa bayang ito kahapon ng umaga.
Ang biktima na iniulat na nawawala pa noong Huwebes, Oktubre 24, 2002 ay nakilalang si Catherine Grace Capili, grade 3 pupil sa Piela Elementary School at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, inimbitahan naman sa himpilan ng pulisya ang tatlong kalalakihan na huling namataang kasama ng biktima na sina Charlie Estimera, 43; Teody Saba, 52 at Rodolfo Santos, 35 ng naturan ding lugar na kapag napatunayang walang kinalaman sa krimen ay kaagad na pakakawalan.
Ayon kay P03 Valero Bueno, natagpuan ang walang saplot na katawan ng biktima bandang alas-9 ng umaga na pinaniniwalaang hinalay muna saka pinahirapan bago pinatay.
Base sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, nagpa-police blotter ang magulang ng bata na nawawala ang biktima mula sa hindi binanggit na eskuwelahan.
Nagsimulang maghanap ang mga magulang ng biktima partikular na sa mga malapit na kamag-anakan, ospital ngunit hindi natagpuan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na umalingasaw ang mabahong amoy sa kinalalagyan ng biktima kaya nadiskubre ng mga residente ang bangkay nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest