^

Probinsiya

Dam, planta bomb target ng mga NPA

-
CAMP GEN. FLORENDO, La Union – Dobleng seguridad ang pinaiiral ngayon ng mga puwersa ng militar at pulis matapos silang makatanggap ng intelligence reports na bobombahin daw ng mga rebelde ang San Roque dam sa San Manuel, at ang coal-fired power plant sa Sual na pawang nasa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Chief Supt. Arturo Lomibao, Region 1 PNP director, maliban sa mga pulis ay marami ring sundalo ng Phil. Army ang nakatalaga sa loob at paligid ng naturang dam at Sual plant na aniya ay 24-oras nagmamanman laban sa anumang pagtatangkang pasabugin ang mga ito.

Sinabi rin ni Lomibao na mahihirapan ang mga rebelde na isabotahe ang dalawang naturang establishments dahil mahigpit na ang security sa loob at paligid ng naturang power plant at dam.

Sa briefing na isinagawa naman ni Senior Supt. Arturo Cacdac, Pangasinan PNP director, sinabi nito na ang may kakayahang sumabotahe lamang sa naturang dam at Sual plant ay ang mga miyembro ng CPP/NPA at ang break-away group nitong Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.

Kaugnay nito, ninenerbiyos na ang mga namamahala sa naturang planta at dam dahil baka masingitan sila ng mga rebelde.

Ang San Roque dam ang siyang pinakamalaki sa Asya at siyang nagsusuplay ng patubig sa may 870,000 ektarya sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Tarlac at Benguet. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

ANG SAN ROQUE

ARTURO CACDAC

ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

LA UNION

MYDS SUPNAD

PANGASINAN

REBOLUSYONARYONG HUKBONG BAYAN

SUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with