^

Probinsiya

Misis ni-rape slay ng magsasaka

-
AROROY, Masbate – Hindi na inabutan pang buhay ang isang misis ng kanyang mister matapos halayin ay pinatay pa ng magsasaka sa loob ng bahay ng biktima sa Sitio Ploma, Barangay Bangon sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na walang saplot sa katawan nang matagpuan ng kanyang mister ay nakilalang si Evelyn Bonagua, samantala, ang suspek na positibong itinuro ng nakasaksing kapitbahay na lumabas ng bahay ay nakilalang si Loe Oas, 40, may asawa ng Brgy. Puro sa bayang ito at kasalukuyang nakapiit sa police detention cell.

Base sa ulat ng pulisya, natiyempuhan ng suspek ang biktima na nag-iisa sa sariling bahay at ang mister nito ay namamasukan sa minahan.

Pinalalagay ng pulisya na nanlaban ang biktima dahil sa maitim na balak ng suspek kaya pinatahimik siya at natagpuan naman ang bangkay bandang alas-10 ng gabi nang umuwi ng bahay ang sariling mister.

Kinumpirma naman ng kapitbahay ng mag-asawa na kalalabas pa lamang ng suspek mula sa bahay na ginanapan ng krimen bago dumating ang mister ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BANGON

BRGY

ED CASULLA

EVELYN BONAGUA

KINUMPIRMA

LOE OAS

MASBATE

PINALALAGAY

PURO

SITIO PLOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with