^

Probinsiya

7 kidnaper tiklo, biktima nasagip

-
Nalambat ng mga awtoridad ang pitong miyembro ng kidnap-for-ransom gang matapos ang matagumpay na operasyon ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) na nagresulta sa pagkasagip sa dinukot na mayamang Tsino.

Iniharap kahapon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nailigtas na si Jimmy Ting, 26 na kinidnap noong Martes, sa Brgy. Libtang, Meycauayan, Bulacan.

Iniharap din ang pitong nadakip na suspek na nakilalang sina Fernando Gascon, 31 at Efren Gascon, 38, kapwa ng Dingras, Ilocos Norte; Ricardo Salazar, 36, ng Guiguinto, Bulacan; Elmer Valenzuela, 32, taga-Laoag City; Jay Gergorio, 28, ng Brgy. Rizal, Makati City; Rolando Estrella, 45, ng Bulacan at Danilo Bergonia, 35, ng Quezon City.

Sa ulat ng PACER, nailigtas ang biktima noong Lunes, Oktubre 14 bandang alas-8:15 ng gabi sa boundary ng Ilocos Norte at Ilocos Sur matapos ang isinagawang bayarang ransom ng pamilya ng biktima.

Nabatid na unang naaresto ang magkapatid na Gascon, Salazar at Valenzuela sa isang checkpoint sa Badoc, Ilocos Norte kasama ang biktimang si Ting sakay ng isang Mitsubishi Lancer (UTH-480).

Sa isinagawang follow-up operation, dakong alas-3 ng madaling araw sa Shell gas station sa may Carmen, Rosales, Pangasinan, nadakip naman sina Gregorio, Estrella at Bergonia sakay naman ng Tamaraw FX (TTE-334).

Nakuha mula sa mga suspek ang P679,000 na bahagi ng P1.6 milyong ransom. Narekober rin sa mga ito ang iba’t ibang uri ng baril at cellphone na ginamit sa negosasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BRGY

BULACAN

DANILO BERGONIA

DANILO GARCIA

EFREN GASCON

ELMER VALENZUELA

FERNANDO GASCON

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

INIHARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with