^

Probinsiya

Terorista kunwari traders

-
Pinaniniwalaang nagpapanggap na negosyante ang mga terorista mula sa Mindanao na nagtungo sa Central Luzon at karatig pook upang pagtakpan ang lihim na teroristic operations na ihahasik anumang oras.

Kinumpirma ito ni P/Sr. Supt. Mario Sandiego, Tarlac police provincial director makaraang mabulgar ang paghahasik ng lagim ng Islamic extremists na tinaguriang Rajah Solaiman Revolutionary Committee (RSRC) na bombahin ang ilang establisimyento sa Tarlac City noong Labor Day.

Ayon pa kay Sandiego, noong Mayo 1, nakasagupa ng kanyang mga tauhan ang pitong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng Haraka, isang Al-Qaeda terrorist network na ikinasawi ng isa na si Khalid Amir Trinidad at pagkakadakip naman ng kasamahan nitong si Dexter Omar Mayuno.

Inamin ni Mayuno sa mga awtoridad na ang kanyang grupo ay bahagi ng RSRC na pinopondohan ng Al-Qaeda ni Osama Bin Laden at may base sa Anda, Pangasinan.

Sinabi pa ni Mayuno na may training ground ang kanilang grupo sa Sitio Dueg at Babaelan sa Brgy. Maasin sa San Clemente, Tarlac.

Nagsagawa naman ng pagsalakay ang mga awtoridad sa sinabing kampo ni Mayuno na nagresulta upang madakip ang walong terorista kabilang na sina Abdurakman Abdul Quirante mula sa Basilan at SheiK Hamod isang Saudi national.

Kaagad namang nakapagpiyansa ang mga nadakip na terorista dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.

Pinalalagay ng mga awtoridad na ang mga nadakip at nakapagpiyansa ay tumulong na mailipat ang kanilang base sa Bulacan mula sa Tarlac at Pangasinan. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

ABDURAKMAN ABDUL QUIRANTE

AL-QAEDA

BENJIE VILLA

CENTRAL LUZON

DEXTER OMAR MAYUNO

KHALID AMIR TRINIDAD

LABOR DAY

MARIO SANDIEGO

MAYUNO

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with