Ambulansiya nanuwag, 2 patay, 4 grabe
October 10, 2002 | 12:00am
NAGA CITY Dalawa-katao ang kumpirmadong namatay, samantala, apat naman ang malubhang nasugatan makaraang suwagin ng rumaragasang ambulansiya habang ang mga biktima ay nagtitinda sa gilid ng kalsada na sakop ng Mabolo Drive sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Animoy lantang gulay ang katawan ng mga nasawing biktima na sina Eranio Nogoy, 50 at Ricky Buena, 25, samantala, ang mga grabeng nasugatan na isinugod sa St. John Hospital ay kinilalang sina Edwin Cunanan, Allan Ocampo, Raul Patron, drayber ng ambulansiya at Dennis Premis.
Batay sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas-11:30 ng gabi habang ang mga biktima ay nagbabantay ng kanilang paninda.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang ambulansiya (SFU-218) bago sumalpok sa nakaparadang pampasaherong dyip (CWA-788) at nagtuloy sa mga biktima.
Napag-alaman sa impormasyong nakalap ng pulisya na ang mga biktimang nagtitinda ay dumayo pa sa naturang lugar dahil sa nakalipas na kapistahan at nagbabalak na lumipat sa Legaspi City dahil sa nalalapit na kapistahan din. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended