3 holdaper hinatulang mabitay
October 10, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Hinatulang mabitay ng mababang korte ang tatlo sa sampung kalalakihan makaraang mapatunayang nangholdap ng pampasaherong bus noong Enero 2000 na ikinasawi ng isang opisyal ng PNP at ikinasugat naman ng tatlong pasahero habang bumabagtas sa kahabaan ng North Luzon Expressway na sakop ng Bocaue, Bulacan.
Sa limang pahinang desisyon ni Bulacan Regional Trial Court Judge Basilio R. Gabo Jr. ng Branch 11 na bukod sa hatol na bitay kina Raul Navana, Rodolfo Carillo Jr. at Noel Viojan ay pinagbabayad sila ng P60,000 sa naulila ng biktimang si P/Supt. Bienvenido C. Hermogenes Jr. at P52,000 sa dalawang nasugatang pasahero na sina Corviz Vale Cruz at Alvin Garcia.
Pinawalang sala naman ng korte ang kasama ng tatlo na si Lito Bacayo dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.
Base sa record ng korte, hinoldap ng mga akusado ang pampasaherong bus mula sa Cavite patungo sa Olongapo City sa pagitan ng alas-2:30 hanggang alas-3:30 ng madaling-araw noong Enero 13, 2000.
Awtomatikong isusumite sa Korte Suprema ang hatol ng mababang korte laban sa tatlo upang busisiin kung ang hatol na kamatayan ay naaayon. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest