^

Probinsiya

Kampo sa Cavite pinasabog

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Niyanig ng malakas na pagsabog ang nabanggit na kampo makaraang hagisan ng bomba ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng lokal na terorista sakay ng kotse na ikinawasak ng tatlong sasakyan at opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon.

Ganap na alas-4:10 ng hapon ng gulantangin ng sumabog na bomba ang mga pulis na nasa loob ng Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite may 15 metro lamang ang layo mula sa naturang opisina.

Ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari ang nagsabi na bago maganap ang pagsabog ay isang kotseng Revo na kulay asul ang ilang ulit na umaaligid sa naturang kampo saka biglang nagbukas ang pintuan at inihagis ang malaking bag na pinaniniwalaang nilagyan ng bomba.

Kabilang sa nawasak at basag ang salamin ng mga bintana dahil sa pagsabog ay ang opisina ni P/Chief Insp. Arden Amogod, hepe ng Cavite CIDG; Mitsubishi na kulay pula (PNU-914); Toyota Corolla gray (TSK-721) na pag-aari ng dalawang pulis-Cavite at ang isa pang kotseng puti (WGN-444) na pag-aari naman ni Enrico Tagle na kasalukuyang dumaraan ng maganap ang pagsabog.

Apektado naman ang pandinig ng mga pulis partikular na ang mga reporter na nasa loob ng press office malapit sa kinasabugan ng bomba.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pagsabog maliban sa malalim na hukay sanhi ng pinasabog na bomba.

Sinisilip din ang anggulong may kinalaman sa mga kasong hinahawakan ng mga ahente ng CIDG na may malaking galit sa kanila. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

APEKTADO

ARDEN AMOGOD

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTINA GO-TIMBANG

ENRICO TAGLE

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with