3 pulis todas sa amok
October 2, 2002 | 12:00am
Tatlong kagawad ng pulisya kabilang ang isang retirado ang kumpirmadong nasawi makaraang mag-amok ang isa sa namatay na pulis sa loob ng kanilang himpilan dahil sa hindi pinagbigyang magbakasyon ng hepe sa Siocon, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Idineklarang patay sa Siocon District Hospital sina PO3 Rosalino Abdon Sta. Teresa, ex-cop na si Virgilio Ragual, at ang nag-amok na si PO2 Andrew Anadeo na kapwa nakatalaga sa 903rd Provincial PNP Mobile Group.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pangyayari dakong alas-2:30 ng hapon sa loob ng presinto ng naturang lugar.
Nagpaalam si PO2 Anadeo sa kanyang hepe na si SPO4 Eloncio Palacay na magbabakasyon ngunit hindi ito pinayagan dahil sa direktiba ng pamunuan ng PNP na wala munang bakasyon dahil sa bantang pag-atake ng mga rebelde.
Dito nairita siAnadeo kaya kinuha ang M-16 assault rifle at nagsimulang paputukan si Palacay ngunit mabilis namang nakapagtago pero ibinaling ang galit sa dalawang biktima bago pa mapatay ang una. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended