Raid sa Lopez PNP station inako ni Ka Roger
September 30, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon Inako at kinumpirma kahapon ni Gregorio Rosal, alyas Ka Roger na pawang mga kasapi ng teroristang New Peoples Army (NPA) ang lumusob sa Lopez PNP station na ikinasawi ng dalawang opisyal ng pulis noong Biyernes ng hapon.
Sinabi ni Ka Roger, tagapagsalita ng makakaliwang kilusan na ang mga sumalakay sa naturang police station ay kabilang sa Apolonio Mendoza Command na may operasyon sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Quezon.
Hindi naman kinumpirma ni Ka Roger ang layunin ng pagsalakay ng kanyang mga kaalyadong NPA na pinaniniwalaang target lamang na patayin ang hepe ng Lopez PNP station na si P/Supt. Cesar Santander at ang ikalawang namatay sa ospital na si SPO2 Nestor Santiago. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest