Killer ng judge tinutugis
September 30, 2002 | 12:00am
Isang Task Force ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang tumugis sa mga killer ng inambus na hukom sa Pangasinan.
Inatasan ni PNP Region 1 Director P/Chief Supt. Arturo Lomibao si P/Sr. Supt. Wilmer Panabang na pamunuan ang Task Force Uson para bigyan ng katarungan ang pagkamatay ni RTC Judge Oscar "Gary" Uson na inambus noong nakaraang Biyernes sa Brgy. Bantog, Asingan, Pangasinan.
Sakay ng kanyang pulang Mercedes Benz (PAE-212) si Uson nang tambangan ng dalawang lalaki sakay ng 2 motorsiklo.
Masusing sinasala ang mga testimonyang isasagawa sa imbestigasyon upang hindi mapalabo ng mga pekeng saksi ang pangyayari.
Matapos paslangin si Uson, tinambangan din ng dalawang lalaki na sakay din ng 2 motorsiklo si Department of Finance Atty. Albert Buyawe at driver nito na si Alfonso Buclay na kapwa ginagamot ngayon sa Eastern Pangasinan District Hospital.
Isang anggulo ang masusing sinisilip na posibleng mistaken identity lamang ang pagpatay kay Judge Uson dahil sa parehong madilim ang sasakyan ng dalawang biktima.
Hindi rin inaalis na ang mga nakabangga sa mga kasong hinawakan ang nagpapatay kay Uson na nabatid na nakatanggap ng mga death threats ilang araw bago ang ambus.
Nakatakdang magpalabas ng cartographic sketches ang pulisya sa dalawang gunman habang isinasailalim na sa pagsusuri ang mga slug ng bala na narekober. (Ulat nina Danilo Garcia at Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest