Smuggled imported t-shirts nasabat
September 24, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Umaabot sa sanlibong piraso ng mga imported assorted mens t-shirts ang nasabat ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) ng Bureau of Customs (BoC) sa aktong ipinupuslit palabas ng Subic Bay Freeport Zone sa Tipo exit gate, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na isinumite ni Customs Police District Deputy Chief for Operation Lt. Marlon Alameda kay Subic Customs District Collector Emelito Villaruz, aabot sa 1,200 piraso ng mga imported na t-shirts na nagkakahalaga ng P.5 milyon ang kinumpiska lulan ng Mitsubishi Canter (WGY-502) na minamaneho ni Ivan Calipes, empleyado ng CD Ventures.
Batay sa ulat, napag-alaman na ang mga nakumpiskang mga damit ay pag-aari ng kumpanyang CD Ventures, isang registered locator sa loob ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) at ito ay naka-consign sa Duty-Free Price Club, isang hindi rehistradong locator sa loob ng SBFZ.
Napag-alaman pa na kulang ang mga papeles at permits na isinumite sa mga customs agents kung kayat ito ay kaagad na kinumpiska at dinala sa ESS office para sa masusing pagbeberipika at imbestigasyon sa mga kontrabando.
Nirekomenda naman ni Villaluz ang issuance ng Warrant of Seizure and Detention laban sa mga nakumpiskang mga kontrabando dahil sa bigong pagbabayad ng kumpanya ng kaukulang mga duties and taxes. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended