'Jueteng lord' grabe sa ambus
September 17, 2002 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, Pampanga Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang pinaniniwalaang jueteng lord na nanalong barangay chairman, samantala, ang kaibigang kasama ay nasugatan makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay papalabas ng gusali sa kahabaan ng San Fernando-Olongapo-Gapan road, Dolores sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Si Brgy. Chairman Melchor Caluag, alyas Ngongo ng Brgy. Dolores ay tinamaan ng dalawang bala ng baril sa tiyan at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon, samantala, ang kasamang si Ariel Trinidad na anak ng dating brgy. chairman sa Lourdes ay tinamaan sa kaliwang kamay na kapwa nakaligtas sa tiyak na kamatayan.
Sa pagsisiyasat ni SPO4 Edgardo Balajadia, naganap ang pananambang dakong alas-6:45 ng gabi habang papalabas ang dalawa sa Mel-Vin Bldg. na pag-aari ni Caluag.
Dalawang hindi kilalang killer ang bumaba sa owner-type jeep at kaagad na pinaputukan ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas sa pag-aakalang napatay sina Caluag at Trinidad.
Napag-alaman sa ilang pulis na si Caluag ay nagtungo sa Hong Kong upang magpalamig tungkol sa pagpapatigil ng jueteng sa naturang lugar ngunit hindi nila akalain na bumalik na siya sa bansa. (Ulat nina Ding Cervantes/Pesie Miñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended