^

Probinsiya

Door-to-door messenger naholdap ng P.1-M

-
KAWIT, Cavite – Isang 37-anyos na door-to-door messenger ang iniulat na hinoldap ng P.1-milyon ng dalawang hindi kilalang armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Tabon sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Roque Aban, may asawa ng 142 Cuevas Subdivision, San Nicolas, Bacoor, Cavite ay hinarang at hinoldap ng mga hindi kilalang lalaki bandang alas-7:30 ng gabi.

Sa ulat ni SPO4 Margarito Alba, sakay din ng motorsiklo ang biktima upang mag-deliver ng naturang pera ngunit hinarang siya ng mga suspek.

Wala namang nagawa ang biktima kundi ibigay ang pera na nakalagay sa bag dahil sa nakatutok ang baril sa kanyang ulo.

May palagay ang pulisya na natiktikan ang biktima na may dalang malaking pera kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BACOOR

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

CUEVAS SUBDIVISION

ISANG

MARGARITO ALBA

SAN NICOLAS

SI ROQUE ABAN

TABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with