^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Empleyado ng Lipa City Hall nilikida
LIPA CITY, Batangas — Dalawang beses na putok ng baril ang tumapos sa isang empleyado ng Lipa City Hall mula sa hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa compound ng kanilang opisina sa Brgy. Maraouy sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Lipa Medix Hospital si Hernando Cator, 39, ng Brgy. Laag at nakapuwesto bilang farm supervisor ng City Agriculture Office ng Lipa City.

Sa inisyal na ulat ni P/Sr. Supt. Antonio Atienza, hepe ng Lipa City, isinagawa ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga saka tumakas papalakad ang suspek bago sumakay ng tricycle.

Magugunitang si Cator ay isa sa siyam na empleyado ng Lipa City Hall na inilagay sa "floating status" sa kautusan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto hanggang sa paburan ng Civil Service Commission na ibalik sa puwesto ang biktima noong Agosto 22, 2002 bago mapatay. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
Misis nagsampay sa linya ng kuryente natodas
ANTIPOLO CITY, Rizal — Hindi akalain ng isang 30-anyos na misis na dalawang-buwang buntis na magiging ugat ng kanyang kamatayan ang pagsasampay ng damit matapos na aksidenteng mapahawak sa talop na linya ng kuryente sa silong ng kanilang bahay sa Brgy. Dalig sa lungsod na ito kahapon.

Mistulang naging itim ang kulay ng balat ng katawan ng biktimang si Cristina Patapa na natagpuan ng kanyang hipag na si Helen Hipolito na nakabulagta sa naturang lugar dakong alas-3 ng hapon.

May teorya si PO3 Marlito Rivera na nadulas ang biktima habang nagsasampay at napahawak sa talop na linya ng kuryente na ikinasawi nito. (Ulat ni Joy Cantos)
Lolo pisak sa dyip
CAINTA, Rizal — Isang 60-anyos na lolo ang iniulat na nasawi matapos na mahagip ng pampasaherong dyip habang tumatawid sa kahabaan ng national highway ng Ortigas Avenue sa panulukan ng Don Mariano Subdivision at Brgy. San Juan sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Rodriguez Memorial Center si Bernardo Ortega, stay-in worker ng New Manhattan Lumber, Ortigas Avenue, Cainta, Rizal, samantala, ang suspek na drayber ng dyip (TDC-832) ay nakilalang si Ulysses Matienzo, 42, ng Catapusan St., Tanay, Rizal.

Naganap ang aksidente bandang alas-5:20 ng umaga matapos na biglang tumawid ng kalsada ang biktima kaya nahagip dahil sa hindi na maiwasan ng suspek na kabigin ang manibela. (Ulat ni Joy Cantos)
Estudyante aksidenteng nabaril, patay
ALIAGA, Nueva Ecija — Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang kinalawit ni kamatayan ang isang 21-anyos na estudyante makaraang makalabit ng kainuman ng biktima ang hawak na baril sa Purok Pag-asa, Brgy. Sto. Tomas sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital si Carlo Sigue, samantala, ang suspek ay nakilalang si Arvin Villa, 22, binata ng Villa Benita Subdivision, Brgy. Concepcion, Cabanatuan City.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija police provincial director, ang baril na pag-aari ni Brgy. kagawad Feliciano Torres ay inilapag sa mesang pinag-iinuman ng dalawa hanggang sa damputin ng suspek ang baril at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabit nito ang gatilyo na naging sanhi upang tamaan ng bala ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
2 CAFGU itinumba ng mga rebelde
CAMP AGUINALDO — Dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang kumpirmadong itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na lalawigan ng Basilan at Negros Occidental. Napatay sina Andy Jappalam ng 8th Civilian Auxiliary ng Brgy. Central Sumisip, Basilan at Ludivico Geronda ng 11th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Aguinaldo, si Jappalam ay tinambangan dakong alas-7 ng umaga sa Sitio Upper Benembengan, Basilan habang nag-aabang ng masasakyan patungo sa detachment.

Si Geronda naman ay itinumba ng mga rebelde dakong alas-6:30 ng gabi habang naglalakad papauwi sa Sitio Pagba, Brgy. Cabagnaan, La Castillana, Negros Occidental.

Tinutugis naman ng pulisya si Roger Bajar na pinaniniwalaang bagong recruit ng mga rebeldeng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)

BASILAN

BRGY

CENTER

CITY

JOY CANTOS

LIPA CITY HALL

RIZAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with