Bold show sa Subic laganap
September 5, 2002 | 12:00am
SUBIC, Zambales Walong diskuhan na matatagpuan sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales ang napaulat na lantarang nagpapalabas ng malalaswang panoorin partikular na ang talamak na pasugalan kabilang na ang nagkalat na video karera sa ibat ibang barangay sa nabanggit na bayan.
Sa impormasyong nakalap ng PSN, kabilang sa nagpapalabas ng malalaswang panoorin ay ang Pepe Caca, Georgetown live entertainment, Curacha, U-571 Club, Chiquitita, Maligaya Club, Love Kita disco at 392 night bar.
Pawang mga menor-de-edad umano ang nagsasayaw ng walang saplot sa katawan kaya dinadayo pa ng mga residenteng mula sa ibat ibang barangay.
Binalewala naman ng mga may-ari ng nabanggit na establisimyento ang ipinalabas na municipal ordinance ni Subic Mayor Jeffrey Khonghun na nagbabawal na magpalabas ng malalaswang panoorin.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng PSN, isang nagngangalang alyas Manny Arce at Anthony Ong ang nagre-recruit ng mga kabataang babae mula sa Metro Manila saka dinadala sa naturang lugar upang magsagawa ng malalaswang panoorin.
Ipinagmamalaki pa ng dalawa na malakas ang kanilang kapit sa isang opisyal ng kapulisan at ilang opisyales ng lokal na pamahalaan kaya madaling naisasagawa ang kanilang modus operandi. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended