Mga pekeng CSC certificate pinabubusisi
September 4, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Umaabot sa sandaang employees kabilang na ang may mga maseselang hawak na puwesto sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang pinaniniwalaang nagsumite ng mga pekeng Civil Service Commission Certificate.
Sa memorandum order na ipinalabas ni Antonio A. Inocentes, Deputy Administrator for Administration ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na may petsang Agosto 6, 2002, inatasan ang lahat ng empleyado na isumite ang kanilang orihinal na CSC certificate upang suriin at beripikahin.
Kapag napatunayang mga peke ang kanilang CSC certificate ay sasampahan ng kaukulang kaso.
Napag-alaman sa ulat na may mga employee na nagsumite ng mga pekeng CSC certificate upang makapasok sa ibat ibang departamento ng SBMA.
Kabilang sa masusing sinisiyasat ng Intelligence and Investigation Department ay ang Law Enforcement Division (LED) na may 70 kawani.
May mga employee na nagbayad daw ng halagang P20,000 hanggang P50,000 upang makasigurong makakakuha ng sertipiko kahit walang eksaminasyon na ginanap noong Pebrero 20, 2002 sa Batasan Hills, Quezon City. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest