5 mandurugas sa Subic Bay Freeport tiklo
August 20, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Limang mandurugas kabilang na ang dalawang security guard ang iniulat na dinakip ng mga ahente ng Intelligence and Investigation Office (IIO) makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga gamit sa loob ng warehouse sa Subic Bay Freeport Zone kamakalawa ng hatinggabi.
Sinampahan ng kasong robbery sa Olongapo at Bataan Prosecutors Office sina Edwin Niño Lucas, 25, ng 35 Perimeter road Ext., Pag-asa, Olongapo City, dalawang security guard na sina Alex Dave Diominio, 37, at Orlando Mapa, 38; Elorde Ybañez, 36, at Joel Llanillo, 28, ng Block 27, Upper Gordon Heights, Olongapo City.
Sa ulat ni Paquito Torres, deputy chief for investigation, sina Lucas, Diominio at Mapa ay dinakip habang nandurugas ng mamahaling gamit sa TGIP warehouse building 8844, Boton, Cubi Point, Subic Bay Freeport dakong alas-12 ng hatinggabi.
Samantala, sina Ybañez at Llanillo ay inaresto makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga gamit sa pinagsisilbihang kompanyang BACZ trucking services office. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest