^

Probinsiya

Drug trader na Kano nasakote

-
Isang Kano na puganteng wanted sa kasong drug trafficking sa America ang iniulat na nasakote ng mga ahente ng Bureau of Immigration sa pinagkukutaan nito sa Tarlac City kahapon.

Si Mario Paras Flores, 48, ay nahaharap sa kasong drug trafficking sa US District Court sa California, USA noong Nobyembre 2001.

Sinabi ni Immigration Commissioner Andrea Domingo na nakipag-ugnayan sa kanila ang US Embassy sa Maynila upang madakip si Flores na dating Pinoy na tumakas patungo sa Pilipinas noong Nobyembre upang iwasan ang nakabinbing kaso.

Dagdag pa ni Domingo na si Flores ay sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa Hawaii at Illinoisa at nakipagsabwatan sa sindikato sa Chicago na makapagpadala ng pakete ng shabu noong Mayo 25, 2001.

Bukod sa kasong drug trafficking ay nahaharap din si Flores sa kasong tatlong counts na nagtatago ng 650 gramo ng shabu.

Ayon pa kay Domingo na si Flores ay ipatatapon palabas ng bansa dahil sa undocumented alien dahil sa kinansela na ng US State Department ang kanyang US passport at ilalagay sa talaan ng bilang blacklisted sa bansa sa darating na panahon. (Ulat ni Rey Arquiza)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DISTRICT COURT

DOMINGO

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

ISANG KANO

NOBYEMBRE

REY ARQUIZA

SI MARIO PARAS FLORES

STATE DEPARTMENT

TARLAC CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with