^

Probinsiya

8 drug pushers nalambat

-
STA. CRUZ, Davao del Sur — Walong kalalakihan na pawang mga nagtutulak ng droga sa kanilang lugar ang iniulat na dinakip ng mga ahente ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) sa isinagawang raid sa pinagkukutaan ng sindikato sa Sitio Lawis sa bayang ito kamakalawa.

Ang mga dinakip sa bisa ng search warrant ay nakilalang sina Norman Sacandal, Hareja Sacandal, Ambulda Udin, Binan Suwaib, Akmad Pawaki, Macarag Sacandal Nawali, Murphy Udin at Sahara Suwaib.

Nakumpiska sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000, drug paraphernalia, halagang P225,000 cash, kalibre 45 baril, iba’t ibang uri ng bala at pitong cellphones na ginagamit sa kanilang modus operandi.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naisagawa ang raid dakong alas-5 ng madaling-araw makaraang magsagawa ng masusing pagtitiktik ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay.

Matapos na maging positibo ang modus operandi ng mga suspek ay kaagad na nagpalabas ng search warrant si Digos City Regional Trial Court Judge Marivic Trabajo Daray Branch 18. (Ulat ni Danilo Garcia)

AKMAD PAWAKI

AMBULDA UDIN

BINAN SUWAIB

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DIGOS CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE MARIVIC TRABAJO DARAY BRANCH

HAREJA SACANDAL

MACARAG SACANDAL NAWALI

MURPHY UDIN

NORMAN SACANDAL

POLICE ANTI-CRIME AND EMERGENCY RESPONSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with