^

Probinsiya

Mag-asawa naholdap ng P.150-M

-
CAMP HENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Tinatayang aabot sa halagang P150, 000 cash at mamahaling alahas ang naholdap sa mag-asawa makaraang harangin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Kinilala lamang ng pulisya ang pangalan ng mister na si Gerald Santos, 33, isang engineer ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat na isinumtie kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, nag-withdraw ng malaking halaga sa Metro Bank sa naturang brgy. ang mag-asawa bago sumakay ng kanilang Suzuki Vitara jeep.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, binaril ng mga holdaper ang gulong ng sasakyan ng mag-asawa kaya napatigil sa kahabaan ng highway saka isinagawang limasin at tangayin ang malaking pera at alahas na kanilang suot.

Kasunod nito, isang trike driver naman ang kumpirmadong nasawi makaraang holdapin din ng limang kalalakihan habang minamaneho ang kanyang tricycle.

Si Bernardo Garcia, 37, may asawa ng Brgy. San Gabriel, Malolos, Bulacan ay hinoldap bago pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay.

Nadakip ng pulisya ang tatlo sa limang suspek na sina Allan Amoco, 20; Rolan Bandila, 20 at Joey Cabrerra, 25, na pawang nagmula sa iba’t ibang bayan ng Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ALLAN AMOCO

BRGY

BULACAN

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

GERALD SANTOS

JOEY CABRERRA

METRO BANK

ROLAN BANDILA

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with