Lola ginilitan ng lolo
August 1, 2002 | 12:00am
NAIC, Cavite Nagawang gilitan ng leeg at saksakin hanggang sa mapatay ang isang 62-anyos na lola ng kapitbahay na lolo matapos na pagnakawan kamakalawa ng umaga sa Brgy. Kanluran sa bayang ito.
Bandang alas-8 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga kapitbahay ang bangkay ni Enriquita Masikat, dressmaker, samantala, nadakip naman ang suspek na si Basillo Guzman, 63, sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Reynaldo Galam, hepe ng pulisya sa bayang ito.
Nabatid sa nakalap na impormasyon ng pulisya na humihingi ng palugit na araw ang suspek sa inuupahan nitong bahay na pag-aari ng biktima.
Hindi naman pumayag ang biktima na ikinairita ng suspek kaya nagawang gilitan ng leeg saka sinaksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan.
May teorya ang pulisya na pinagnakawan pa ang biktima dahil sa nawawala ang malaking halaga at dalawang bank book. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended